susulat ako para sa mga bagay na nag udyok na gawin ko ito:


sa kahirapan na di matapos tapos, para sa mga karanasan na di ko lubos maiisp na papasok, para sa mga asong makukulit , kay rookie( aso ko) na nagbibigay saya, sa mga taong pasaway , sa mga kulas na nakasama ko sa inuman, saya, kalokohan, churvahan, ek e kan, eklabo, chenes, sa mga lovers sa seaside ( bakit di pa mag suicide..heheh!joke!!) at sa mga mahal ko sa buhay pati sa mga plastik na walang ka buhay - buhay....



.....at sa mga taong na naniniwala na pwede akong magsulat...

kwentong Praning

   kamusta na??ang tagal na rin ng huli tayong nagkasama di ba?..
teka, nabalitaaan mo na ba na si Aling Mahal Mag BEn TAn e namatay na
nakaraaang linggo lang. o di mo maalala???

  siya yung may tindahan na sobrang taas ng presyo yung lage tayong pinapapalayas
sa upuan niya sa gilid ng tindahan pag nakatambay tayo kasi nga malas daw,tanda mo na??
hindi pa rin??..O sige ito pa..naalala mo ba yung chikalicious na ayaw magpaligaw kasi mataas
raw ang quality nang lalaki ang hanap niya, siya yung seksi magsuot na laging sinasabi ng nanay niyang maraming pangarap na...konserbatibo raw at may pangarap sa buhay kaya lagetayo sinisigawan kasi hindi tayo pasado,hindi raw kasi tayo yung tipo ng tao na may pangarap at hubarin man daw ang katotohanan e tambay pa rin tayo na hubad kung tumingin sa anak pag dumadaan pero di ba kulas ikaw lang naman talaga ang  may X- ray vision na parang superman kung tumingin>??naaalala mo na ba??di ba nga sa
kakapili nung chikalicious na yun e doon bumagsak kay Mr. Pata Law yung matandang puro kayabangan, masabi lang na mayaman pagtapos ang balita ay buntis kaya nagpakasal sila ang dahilan n lang e si Mr. Pata Law ang tunay na panalo sa quality niya...

     alam mo nga hanggang ngayon talaga di ko parin lubos maisip na ang tipo niya pala ay ung lalaking may tobacco sa bibig ,malaki ang tiyan naka pormada palagi at nakapamulsa at panay ang himas sa balbas at kurbata niya.mga ilang buwan lang napabalita na ang nakabuntis talaga kay chikalicious ay un palang kapit bahay niyo..yung si ..uahmmm....teka yung si ano
* isip mode * 
..hay.. di ko matandaan basta siya matangakad , maputi, maskulado,hitang kabayo na mabalbon,pantsya ng bayan na gwapo!!!! kaya nga lang...(i_i) retarted.

  ang sabi nangyari daw yun nung umuwiwing lasing at nilandi ni chikalicious ..nag KFC at Fishball daw sila
ehem!!di mo rin siya maalala!!!yung lalaki na yun??siya yung special child na inaasar natin nung bata pa tayo
!!na lagi tayong binabato ng ebakerz niya pag napapraning na..siay yung kapatid nung lalaking tahimik na naging adik dahil sa gustong maging manhid sa problema sa buhay kaya sumubok mag droga at di nag laon ay nasira na yung utak...

   hay naku huh!..di mo pa rin sila maalala...
   

 yung lalaking tahimik na naging adik na kapatid nung retarted na nakabuntis kay chikalicious na pihikan na napangasawa yung matandang mayabang na. si chikalicious na anak nung may ari ng tindahan na tinatambayan natin na mahal mag benta at namatay lang nung nakaraang linggo.

 , natatandaan mo na ba!!!!!??sila yung mga naghahangad ng sobra pero sa huli walang mabuting napala kundi ,perwisyo sa buhay lang nila.
,naaalala mo na ba?
,grabe!!!hindi pa rin, hay naku!




>>>>uhmm teka maalala ko lang....
>>>>ano nga ba pangalan mo???





"hoy!! andyan ka lang pala, "(mental doctor)







"ah teka nagkukuwento pa ako e"



(^_^)