susulat ako para sa mga bagay na nag udyok na gawin ko ito:


sa kahirapan na di matapos tapos, para sa mga karanasan na di ko lubos maiisp na papasok, para sa mga asong makukulit , kay rookie( aso ko) na nagbibigay saya, sa mga taong pasaway , sa mga kulas na nakasama ko sa inuman, saya, kalokohan, churvahan, ek e kan, eklabo, chenes, sa mga lovers sa seaside ( bakit di pa mag suicide..heheh!joke!!) at sa mga mahal ko sa buhay pati sa mga plastik na walang ka buhay - buhay....



.....at sa mga taong na naniniwala na pwede akong magsulat...

Friday, May 7, 2010

Day part One

   dalawangpo't - dawalang taon na ko dito sa mundong walang kamalay malay.
limang taon ang edad  ng magkamulat sa batang isipan,
sampung taon ng ng magkamalay sa mahalay na buhay'
labing anim, ng matutong maghanap ng sariling daanan yung tipong walang haharang, hindi ka hari at hindi rin siga ng kalye pero may respetong natatamasa para sayo, para sa iba, para sa lahat.Parang riles ng tren na kapag andyan na ang tren walang susubok na humarang.
   ngayon dalawangpo't - dalawang taon na ako, nagahahanap pa rin ng sariling daanan ng buhay.halos hindi ko na nga mabilang kung ilang kulas, bugok, tungaw, bro, brad, par, mars, mare, pare, at tambay sa kanto ang nakasama ko na nagbigay ng dahilan at bagay na pwedeng maging paraan.sa dami nila, hindi ko na rin matandaan sa kanila ang naging inspirasyon ko para mas mag pursigido sa pagsulat, napaka dami na siguro.
   hindi ko na rin pala mabilang kung ilan beses na akong natuto sa kanila na kumain ng sisig, ulo ng aso, sisiw ng balot, kare kare ng walang lasa,  pritong talong na madulas, tahong na malansa, papayang hinog, mag - ulam ng saging, kumain ng noodles na nilaga, uminom ng gin na may dimonyo, kumain ng panis na spaghetti, kumain ng mami matching pandesal, mamulutan ng mani sa inuman at teka nalaman ko rin pala na mas masarap mamulutan ng mani pag hindi pa nabibiyak may challenge kaya nakakawala ng amats, tapos ang maadik sa pag higop ng sabay na mainit ng mami..grabe, madami pa hindi ko nanga lang  maalala ang iba pero ang isa sa di ko malilimutan ay yung nag inom kame ng katrabaho ko namala piknik ang dating.bakit? , kasi sa dami ba naman ng pulutan chichirya pa at juice mix drink na sa tantiya ko ay pang dosenang tao ang labanan, samantalang tatlo lang kameng babanat ng alak na bitbit kasama ang pang piknik na pamatay lasa at juice mix drink na paglunod tao ang dating sa dami!( wow di ba!!)
  sigurado kung mabasa man niya ito hundred percent tatawa yuin ng tatawa na maasar na maiiyak na di maintindihan.pero sana dapat mas matuwa siya kasi na alala ko siya na maisama sa sulat kong di naman naka sentro sa kanya noh!!!(malaking haha) (^_^)
at siyempre di mawawla sa isipan ko ay yung mga bagay na pinagsamahan namin ng mga nakasama ko at sana makasama ko ulit sila di man sa inuman kahit sa pagtambay na lang sa dating pinagsamahan at para doon sa mga bago kung nakasama sana magkainuman ulit tayo para naman kayo naman ang tuturuan ko kung paano ba mamulutan ng tokwa sabaw kaldereta at tokwa sabaw kamto na pangtangal amat din..heheheo di ba sosyal para kagaya nming tambay!
at para sa dalawang kulas na na nakasama ko sa mga kapalpakan ng pag gigimik sana maka bonding ko ulit kayo..at maginuman na paranmg walang bukas at maaawol sa trabaho kinabukasan pero sana wag naman..(chika lang) at pag tapos deserts tayo ng masarap pagkatapos natin mag shot! (ehem)
   at ilang bese pa kaya ako madadapa o bubulagta??hangang kailan din kaya ako maghahanap ng tamang daan  na di ko mahanap. ilang puyat pa kaya ang gagawin ko , ilang alak pa kaya ang iinumin ko , pero teka kailan kaya ako matiitigil sa pag inum ng alak; baka isipin nyo lasengero ako..hindi namn po....
   sa mga nakasama ko kaya noon , nasaan na kaya sila...buhay pa kaya??...=)


   naku MALAKING SHIT!!!nalimutan ko may pasok pa pala ako..sige parking mode muna ang ballpen ko at mga ibat ibang xustomer muna ang ahahrapin ko


*parking mode*



*para sa ballpen at notebook*

Wednesday, April 28, 2010

pahapyaw

nasubukan mo na ba matulog sa kalsada,traysikiel,kariton o kaya naka-upo sa lansangan??,
siguro pag pasling ka..MALAKING " OO" at MALAKING HAHA!! oh Di BA?!!
ano kaya kung pumasokng walang ligo???pwede pag lasing ka ulit,tinanghali kasi may hangover..
MALAKING HAHA ulit..tapos najejerbaks ka kaso walang C.r kaya titiisin mo na lang hangang mall c.r
at pag dating mo doon makikita mo walang tubig!!marumi yung toilet kaya lilinisin mo tapos bibili ng tissue
at pagkatapos ng lahat bigla na lang mauunahan ka..


lalabas na lang ang inipon mong sama ng loob di mo parin nauupuan ang tronong nais mo.

Thursday, February 4, 2010

buwan ng puso at pusa???

naku!!naku!!!buwan na ng puso..at ito wala pa rin pumapasok sa utak ko..di ko alam san ko ba uumpisahan ang pag sulat ng ka kwenta kwentang kwentong buhay na bagay sa aking talambuhay...teka anu daw???
mabalik tayo, at matanong kita...may date ka na ba??kung wala pa ehh anu pa ginagawa mo!!text mo na agad ako!!at baka pumayag ako nang di malungkot ang valentines mo pero wag lang sana mapasama sa mga taong nagrereklamo pag ganitong buwan kasi naman buwan ng mga puso sasabayan pa ng mga kaluskus ng pusa sa mag dingding at bintana,napansin ko lang yan na madami din nagrereklamo nang ganun bakit??at ano ba yan??hay naku!malaking HAHA!!!wag ka nang magkunyari at alam kong isa ka sa kanila mga partner na dapat sulo ang gabi sa madilim at tahimik na bahay ek ekan pero magugulantang lang at maprapraning sa mga kaluskus ng ding ding dahil may pusa!!(bosero) malaking HAHA!!oh di bA!!bongga libreng x rated show live pa!!bakit ba naman kasi ganyan anu ba nakukuha nyo diyan..
may barkada ako na nagkwento pumasok raw sila sa tahimik at madalilm na bahay ek e kan at imbes raw na maging masaya ay napaaway pa pagkatapos na eskandalo dumating ang mga tenants dumating din ang tanod , mga guwardiya at yung manager kasi nagulat sila sa malakas na kalaboommm..kalablogg...at katokkk!!at nagulat sila yung dalawa nilang room attentdants e naka bulagta, sabog ang nguso labas ang mata sarat na ang ilong at wala na paa(yuck!! naiimagine mo ba?)natigil lang ng dumating ang isang matipunong lalaki at sabi nya,.."itigil nyo ang chura chenes na eklavung away na yan"..
grabe!!shuding pala!!at  pagtapos kinausap yung barkada ko at pinaliwanag niya kung bakit ganun at nalaman nila na habang pinagsasaluhan ng barkada ko at ng betchy gurlie nya ang gabi ng mga puso ay bisi naman ang dalawa nilang R.T sa pag papangap na pusa na kumakaluskus sa ding ding at nakalaboso kaya kalbaryo ang na pala..kaya sabi ko sa barkada ko next time sa bigatin na wag sa tabi tabi lang...malaking HAHA!!kaya ikaw kong balak mo magdate ng partner mo mas maganda magpiknik n lang kayo..pagtapos mag peryahan at sasakay kayo sa gulong na lumilipad o kaya sa kotseng tumatabling para may trill...oh di bA!!!malaking HAHA!!!
kaya ikaw!!!kung sino ka man kung idedate mo ako pwede sa outer space...hehehe.

Saturday, January 23, 2010

thanks to you...goodbye

its so nice to be with you
'because your always there for me
when i feeling blue
you makes me strong to face my fears
you make me a little bit stronger to shout!!
strong enough to rumble
well, i'm not superman but
when i kiss you and touch your body
you make too crazy...(wasted..useless)
i hope when i grow up
your always still there for me
but instead to kiss and touch you..
i'll just watch you kissing and touching
by someone else
i can't just threw away the moments we had
but i think i have to let you go
but still..you know, i really thank you
for being my best friends of all
now i have to take a rest..concern for my body...
and until to my last breath
i'll bring the memories we had that one day in my life
i had you..i experiences you soul



oh my damn alcohol!!!fuck for us!!


thanks to you...goodbye

Pakilala lang po

di ko alam bakit ako nag blog, praning lang siguro ako
o baka gusto ko lang mangaliw ng tao sana lang maaliw nga sila
wag sana maboring ang mga taong topak na wala naman magawa hundi
ang kumain at matulog at matulog tapos kumain.
ako nga pala si....ay teka sino nga pala ako??(alamin mo n lang)
tawagin mo n lang ako na papa pee kasi un tawag nila, malaking HAHA!!


ang blog na to ay mabubuo ng dahil sa mga sangkaterbang ka ek - e - ekan sa buhay ko
sana lang n kapag bumasa ka nito ay di mo na ko malimutan na parang unang halik mo sa aso.

para to sa mga kulas,mga tambay, sa mga nasa parlor pa at nagmemake over, kanila nanay at tatay ,
sa mga kainuman ko sa kanto,ka tukayo,kamuka kong mag artista(anu daw), sa mga katrabaho ko mga chix ko , mga ka adik ko at sa nag iisang praning ko...


ehem!!!to the move to!!