susulat ako para sa mga bagay na nag udyok na gawin ko ito:


sa kahirapan na di matapos tapos, para sa mga karanasan na di ko lubos maiisp na papasok, para sa mga asong makukulit , kay rookie( aso ko) na nagbibigay saya, sa mga taong pasaway , sa mga kulas na nakasama ko sa inuman, saya, kalokohan, churvahan, ek e kan, eklabo, chenes, sa mga lovers sa seaside ( bakit di pa mag suicide..heheh!joke!!) at sa mga mahal ko sa buhay pati sa mga plastik na walang ka buhay - buhay....



.....at sa mga taong na naniniwala na pwede akong magsulat...

Thursday, November 10, 2011

frensoberder

Noong batang paslit pa lang ako mahilig  ako mag trip ng mga kaedad ko kasi lagi din naman ako ng napagtri tripan ng mga mas nakatatanda sa akin kaya sa kanila ako gumaganti (hehehe).Siguro isa sa mga masamang ginawa ko ay yung pag tiyagaan  na paiyakin yung kapit bahay namin, natatandaan ko nung dumaan siya sa tapat ng bahay at may dalang ehem!teka...funtam yata ang panagalan ng softdrinks na yun at ayun hinarang ko siya at pilit kong kinuha yung dala niya pero tumalikod siya para protektahan ang softdrink na parang bioman!tapos sabay babanat ng "kasi naman e!akin ito" sabay iiyak...hehehe. pero mabait naman ako kaya pinatahan ko na..
at pag tahan niya kasabay ng pagharap sa akin ginaya ko yung kalaban ni maskrider black na kamukha ni the flash.
"HABLOT SABAY TAKBOOO.".at wala na siyang nagawa kung hindi ay tignan ako mula sa malayo habang inuubos ko yung softdrinks niya at panunoorin ko siya kung pano sya gumawa ng sariling putik sa mukha.

pero hindi ko napagnilay nilayan na darating ang oras na gaganti ang mahinang iyakin na mudface na paslit!
isang magandang araw na may malagim n kaganapan ang naganap sa sakin noong araw na yun.
kagaya nung una pang yayari,hinarang ko,at hinablot ulit na parang the flash na, pero sa pagkakataon na iyon wala siyang nakakatawang reaksyon maliban sa naakakinis na ngiti hindi ko naman yun pinansin
at sa isang sulok hindi kalayuan sa kanya at pinagmamasdan ako habang inuumpisahan ko na sipsipin ang kanyang softdrink.at unti unti ng humagod sa lalamunan ko ...ang sarap. at unti unting nagbago ang laso tila gusto ko ng sumigaw ng oras na iyon at ilang segundo natigil ang pagbobola ng bingo ni tatay isko at nabasag ang katahimikan ng marinig ang hiyaw ng mapangaping musmus

."MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!TUBIIIIEEEEEEEEEEGGGGGGGGG"


inakala ng iba na may sunog,pero nang lumapit si mama nakita niya na may hawak akong plastik habang um,iiyak na., tinikman ang laman ng plastik na hawak ko at nalaman niya na toyo pala yun na puro sili.siguro mahigit isang gallon na tubig at kalahating kilo ng asukal ang naubos ko.
sa mga oras na yun nasa bintana ako at nakita ko siya na pinagtatawanan ako siguro kasi nakita niya na marunong din pala ako umiyak, sa mga oras din yun naramdaman ko yung nararamdaman niya kapag pinagtritripan ko sya..MALAKING HAHA!!
pero nakakatuwa alalahanin na sa murang edad ay naisip ko na 'di bale ng apihin wag lang ikaw ang mangapi dahil baka ikaw pa ang maturo sa kanila na gumawa ng hindi maganda sa kapwa'.

mula noon naging magkaibigan kami di lang basta kalaro o kakulitan kundi isang tunay na kaibigan kaya lang tatlong taon lang kumipas pagkatapos namin magkasama ay lumipat na sila,nakakalungkot kasi maraming pwedeng maging kaibigan pero iba pa rin ang tunay na kaibigan. kapag naaalala ko yun ,alam mo lagi ko sinasabi sa sarili ko na mahirap magkaroon ng tunay na kaibigan hindi naman kasi yan nabibili na tiangge na parang damit sa ukay-ukay o mabibili mo  na parang burger na buy 1 take 1 sa kalsada. at syempre di rin madali makita yan sa kalye o tambayanb kahit magsuot ka pa ng microscope sa dalawang mata mo, ano yan bacteria?kahit may mata ka na mala sharinggan ni sasuke o byakugan ni neji(teka!!kilala mo ba yun?)
kamusta naman yun diba?!.
parang pag ibig din yan e, hindi mo kailangan hanapin,kusang darating ng hindi mo napapansin.

teka kulas sana wag ka nang kumontramag basa ka na lang magre react ka ap e.

ikaw magbahagi ka nga,sabihin mo ilang kaibigan na bang nanloko sayo?sinu-sino na ba ang mga nakasama mo na nagsabing magkaibigan kayo na kapag wala kang pera at pakinabang e hindi ka naman kilala.
e yung kaibigan na tinutulungan mo na gagaguhin ka pa?
o' ano?magkwento ka naman, sabihin mo nga, ilan na ba ang naging kaibigan mo na kaibibigabn ka  lang kapag sa inuman lang, na kahit pinakiki nabangan kana e nilalait ka pa,kaibigan na binabati ka lang kapag manghihingi ng barya tapos pa nabigyan mo ay hindi na magpapasalamat may sama pa ng loob at kaibigan na
pag kailangan ka andiyan at apg kailangan mo hindi naman ma reach na parang phone call lang. Network busy , hindi rin mawawala yung kaibigan na tutulungan ka tapos may sumbat naman !oh di ba??MALAKING HAHA. ang sarap ilagay nila sa lambat tapos sabit mo sa twin tower at gawin mong target shooting!(hehehe biro lang) .
pero alam mo mahirap talaga magkaroon ng tunay na kaibigan, wala yan sa tagal ng pinagsamahan wala rin sa platong pinagsaluhan o sa damit na pinaghiramahan, parang magic yan na super natural ang dating hindi mo mapapansin. ewan ko lang hah, yan naman ay pan sariling opinyon ko lang pero kung paniniwalaan mo ang praning na ito aba ito ang basbs ko!!!hehehe"sa ngalan ng kulas gamit ang kaliwa't kanan na sampal at tadyak balibag, kotong at sa pag inom ng banal na moriotic acid ikaw na sino ka man ay binabasbasan ko bilang miyembro ng samahang kulas sa ukay ukay!!!!toinks!
at syempre para naman hindi sasang ayon!!!aba!e di gumawa kayo ng sarili ninyong oipnyon!!!eheheh!!malaki JOKe lang po!
ehem !balik tayo sa kwentuhan at matanong kita ..kailan mo ba nakilala ang kaibigang tunay mo?naalala mo pa ba?wag ka na mag isip kasi sigurado naman na hindi mo maaalala pero kung mapilit ka sige ganito:
 write it in a piece of paper and pass it within five minutes, finished or no finished!!and at the back of paper
rigth your full name,age address,sex and status!

ok!!!!!now get your ballpen and paper and timer start now!!!!!





hoy ano pa kulas???/tulala??timer stat now na nga e!!!!








No comments: