susulat ako para sa mga bagay na nag udyok na gawin ko ito:


sa kahirapan na di matapos tapos, para sa mga karanasan na di ko lubos maiisp na papasok, para sa mga asong makukulit , kay rookie( aso ko) na nagbibigay saya, sa mga taong pasaway , sa mga kulas na nakasama ko sa inuman, saya, kalokohan, churvahan, ek e kan, eklabo, chenes, sa mga lovers sa seaside ( bakit di pa mag suicide..heheh!joke!!) at sa mga mahal ko sa buhay pati sa mga plastik na walang ka buhay - buhay....



.....at sa mga taong na naniniwala na pwede akong magsulat...

Friday, May 7, 2010

Day part One

   dalawangpo't - dawalang taon na ko dito sa mundong walang kamalay malay.
limang taon ang edad  ng magkamulat sa batang isipan,
sampung taon ng ng magkamalay sa mahalay na buhay'
labing anim, ng matutong maghanap ng sariling daanan yung tipong walang haharang, hindi ka hari at hindi rin siga ng kalye pero may respetong natatamasa para sayo, para sa iba, para sa lahat.Parang riles ng tren na kapag andyan na ang tren walang susubok na humarang.
   ngayon dalawangpo't - dalawang taon na ako, nagahahanap pa rin ng sariling daanan ng buhay.halos hindi ko na nga mabilang kung ilang kulas, bugok, tungaw, bro, brad, par, mars, mare, pare, at tambay sa kanto ang nakasama ko na nagbigay ng dahilan at bagay na pwedeng maging paraan.sa dami nila, hindi ko na rin matandaan sa kanila ang naging inspirasyon ko para mas mag pursigido sa pagsulat, napaka dami na siguro.
   hindi ko na rin pala mabilang kung ilan beses na akong natuto sa kanila na kumain ng sisig, ulo ng aso, sisiw ng balot, kare kare ng walang lasa,  pritong talong na madulas, tahong na malansa, papayang hinog, mag - ulam ng saging, kumain ng noodles na nilaga, uminom ng gin na may dimonyo, kumain ng panis na spaghetti, kumain ng mami matching pandesal, mamulutan ng mani sa inuman at teka nalaman ko rin pala na mas masarap mamulutan ng mani pag hindi pa nabibiyak may challenge kaya nakakawala ng amats, tapos ang maadik sa pag higop ng sabay na mainit ng mami..grabe, madami pa hindi ko nanga lang  maalala ang iba pero ang isa sa di ko malilimutan ay yung nag inom kame ng katrabaho ko namala piknik ang dating.bakit? , kasi sa dami ba naman ng pulutan chichirya pa at juice mix drink na sa tantiya ko ay pang dosenang tao ang labanan, samantalang tatlo lang kameng babanat ng alak na bitbit kasama ang pang piknik na pamatay lasa at juice mix drink na paglunod tao ang dating sa dami!( wow di ba!!)
  sigurado kung mabasa man niya ito hundred percent tatawa yuin ng tatawa na maasar na maiiyak na di maintindihan.pero sana dapat mas matuwa siya kasi na alala ko siya na maisama sa sulat kong di naman naka sentro sa kanya noh!!!(malaking haha) (^_^)
at siyempre di mawawla sa isipan ko ay yung mga bagay na pinagsamahan namin ng mga nakasama ko at sana makasama ko ulit sila di man sa inuman kahit sa pagtambay na lang sa dating pinagsamahan at para doon sa mga bago kung nakasama sana magkainuman ulit tayo para naman kayo naman ang tuturuan ko kung paano ba mamulutan ng tokwa sabaw kaldereta at tokwa sabaw kamto na pangtangal amat din..heheheo di ba sosyal para kagaya nming tambay!
at para sa dalawang kulas na na nakasama ko sa mga kapalpakan ng pag gigimik sana maka bonding ko ulit kayo..at maginuman na paranmg walang bukas at maaawol sa trabaho kinabukasan pero sana wag naman..(chika lang) at pag tapos deserts tayo ng masarap pagkatapos natin mag shot! (ehem)
   at ilang bese pa kaya ako madadapa o bubulagta??hangang kailan din kaya ako maghahanap ng tamang daan  na di ko mahanap. ilang puyat pa kaya ang gagawin ko , ilang alak pa kaya ang iinumin ko , pero teka kailan kaya ako matiitigil sa pag inum ng alak; baka isipin nyo lasengero ako..hindi namn po....
   sa mga nakasama ko kaya noon , nasaan na kaya sila...buhay pa kaya??...=)


   naku MALAKING SHIT!!!nalimutan ko may pasok pa pala ako..sige parking mode muna ang ballpen ko at mga ibat ibang xustomer muna ang ahahrapin ko


*parking mode*



*para sa ballpen at notebook*