susulat ako para sa mga bagay na nag udyok na gawin ko ito:


sa kahirapan na di matapos tapos, para sa mga karanasan na di ko lubos maiisp na papasok, para sa mga asong makukulit , kay rookie( aso ko) na nagbibigay saya, sa mga taong pasaway , sa mga kulas na nakasama ko sa inuman, saya, kalokohan, churvahan, ek e kan, eklabo, chenes, sa mga lovers sa seaside ( bakit di pa mag suicide..heheh!joke!!) at sa mga mahal ko sa buhay pati sa mga plastik na walang ka buhay - buhay....



.....at sa mga taong na naniniwala na pwede akong magsulat...

Saturday, October 19, 2013

Tel A Nobel Ahahah: Boom T Boom

kailan lang may nauso na Thats my tomboy sa isang noontime show na its showtime,masasabi kung astig kasi kahit papaano hindi na lang puro straight boys,girls and gays ang nagkakaroon ng pagkakataon na ma i prove ang pagka tao pati na rin ang mga lesbian o tomboy (butch rin ata ang tawag) pero hindi naman yun ang dahilan para maisip ko magsulat ulit.

minsan kasi narinig ko na kapag tomboy daw ang partner nung babae e tomboy din daw yung pumatol,napatanong tuloy ako sa sarili bigla ng "how so true is that stupid says or stupid ideas?"
gaano nga ba katotoo yun? hindi naman sa pang huhusga sa mga nakakaisip nito or kahit sabahin pa nila na psychological things or studies pa yan e parang napaka labo naman ata diba??
parang may konting discrimination pa nga ata e dba??
but for me i think we should not adopt that kind of thinking stupid ideas because its really doesn't matter at all and besides we can't really say if the girl is lesbian just because she is having a relationship with lesbian unless if we ask and she answers YES,right?..wooohh!!!hot!!
well its only my own opinion.(sort of =) )

ooopsss!!!teka napapa Englesshh ako dapat nga pala tagalog!hahaha!!nakalimot ako bobo pala ko sa grammar
pero mabalik ako sa topic,
ano nga ba paki natin kung tomboy ang jowa o tomboy sila diba??sa totoo lang masasabi naman natin na talagang mas magaling mangligaw ang mga tomboy sa mga kalalakihaan bakit kaya?siguro kasi nadadala o nagagamit pa rin nila yung likas na pagiging malambing ng isang babae in other word their are natural sweet person.

yun bang tipong kahit ayaw na ng babae sa kanila e todo care pa rin na kahit busted na sila may sweetness text pa rin tapos sasamahan pa INGAT PO,LAGI LANG AKO NANDITO PARA SAYO susundan pa ng mga banat na pangpakilig kahit na umay na umay na sa kanila yung babae e hindi pa rin makikitaan ng attitude na I GIVE UP.

sila yung tipo ng manliligaw na parang bang laging may kaka ibang GIMIK sasabayan pa ng mga malulupit na outfit with smile na may hatid KILIG FACTOR hehe..
pero ang astig daw sa kanila e sadyang lapitin ng CHICKS pero TAPAT din naman raw magmahal.

well i dont know if this topic i wrote e may kwenta o wala e basta naisip ko lang isulat yung mga bagay na napansin ko at naririnig about those lesbians,tomboy,butch,tibo or whatever they call them basta ang alam ko they are still a human with emotions whose have the right to love,to fall in love and to love who ever the woman they think is deserve for them,in that case there is no such a thing in this world is exist without good reason and in this world they have the right to subsist. (taray!)


grabe!!!nakakahawa na talaga ang mga OJT na foreigner na nakakasama ko ah...!!infernez lakas ng loob ko ah!!!

o sya kung may saysay man o wala yung sinulat ko e kayo na lang ang humusga libre lang naman mag sulat e at libre din mag comment di ba??
dahil sa totoo lang wala rin naman akong tamang kasagutan sa katanungan ko at isa pa mabigat na katanungan rin ang tinatanong ko kaya i aasa ko ang kasugatan sa mga taong makakabasa nito..


o sya!!need to park my pen and my self!!!


-(teka talagang pen???kahit ang ginamit ko e keyboard?)

complicated

bakit pag  nagkakagusto ka sa isang tao e may tao din na nagkakagusto sa kanya,tapos yung taong gusto mo may gusto din naman na iba,,complicated ba??o nagkataon lang na mas na una sya na makilala sya kaysa sayo?

tapos ang nangyayari e tititigan mo na lang siya at pag kasama siya ng tropa mo tuwang tuwa ka nga,di naman halata kasi tumatahimik ka na lang at pasimpleng titingin sa kanya pag nilapitan ka natutulala ka,kinakausap ka na nga di mo pa nadidinig mga sinasabi niya kasi kumakabog yung dibdib na parang may bomba na sasabog pag lumalapit siya at pag dumikit pa yung balat niya sa balat mo nangangatog ka na gusto mo nang isigaw na mahal mo na siya ang kaso di mo masabi kasi na totorpe ka natatakot ka malaman na friendzoned lang talaga dahil masasaktan ka pero umaaasa ka na baka sa konting effort mo ma linya ka sa mga taong may pag asa.

Big score kung malalaman mo na may pag asa,malas nga lang kasi wala kang makita o madama na bibigyan ka niya! kaya ang peg mo..stay put sa tabi at NGANGA!pero expecting pa rin na one day gusto ka na rin niya.

ini i magine mo na sana isang araw e MAG KAKAHIYAAN KAYO SA ISAT ISA PAG NAG KITA tapos MAGIGING SWEET NA SIYA SAYO PAG KAYO LANG DALAWA yung tipong AASARIN KA AT KUKULITIN hangang MADALAS NA KAYONG MAGKULITAN at LAGI KA NA NIYANG LALAPITAN tapos bigla na lang MABABADTRIP SAYO NG WALANG DAHILAN sasamamahan pa na LAGI KA NANG PINAGTATAWANAN at kung hindi man kayo magkita e MAKIKIBALITA KUNG ANO LAGAY MO O KAMUSTA KA,inaaasam mo rin na LAGI KAYONG MAGKAKATINGINAN NG DI SINASADYA pero higit sa lahat yung malaman mo na maging CONCERN SIYA SAYO.


=)


-Papa Peeh

Tuesday, February 19, 2013

Yatots da payatots:Adventure In Tokaruk City


          Sa pang araw araw na pamumuhay sa palagay mo nakakagawa ka ba ng mabuti??kung meron man sa tingin mo ano kaya yun??alam mo kaya o napansin mo ba?
          ako hindi ko alam kung meron ako nagawa, ni hindi ko nga rin alam kung may mga kwenta ba yung mga nagagawa ko sa buhay o kung nakabuti ba kaya ang mga nagawa ko??
bakit ba kailangan itanong kung may nagagawa ba tayo na mabuti,(bakit?malamang yan ang tanong mo)
sabi kasi nila nakakatulong raw ang paggawa ng mga mabubuting bagay sa pang araw araw ito ay humuhobog sayo upang maging tapat at mabuting tao.May tama yun sa aspetong gamit ang salita ng diyos pero paano kung sa aspeto bilang isang tao (o pakitang tao).Siguro kung ang usapan ay isang literal na salitang kung gagawa ka ng mabuting bagay ay isa kang mabuting tao.Malamang lahat na siguro ay mabuting tao.sa mata ng tao,hindi sa mata ng may kapal.



sa isang liblib na lugar na malayo sa syudad mga isang daan tulog at dalawang hakbang at isang mahang baba ay may lugar kung tawagin ay tokaruk city(hindi siya sa japan katunog lang) at may grupo ng mga nilalang na kulang kulang ang naninirahan dito ngunit ito ay sagana sa ginto,pilak at perlas gayun din ito’y sagana din sa mga prutas at ibat iba pang bagay na maaring pag kakitaan kaya lang sa kabila ng lahat na ito ay may kulang,ito ay kung paano nila pagyayamanin at gagamitin sa mabuting bagay.

            Sa kabilang dako naman,malapit sa syudad mga isang malaking baboy lang ang layo ay may lugar din na kung tawagan ay mikas city dito ay halos wala ng pag kakakitaan kung kaya karamihan dito ay na iibang bayan dumarayo sa malayong lugar dahil ang mga tao ditto ay mga kapwa mandurugas,magnanakaw,manlalamang, at kahit ka pamilya,kapatid,kapuso o kabarkada ay tinatalo kung kaya naman sa lugar na ito ay tanging mga matikas lamang ang natitira.Sa isang sulok ng kalye ng mikas city ay may maliit na grupo ng mga bandido kung saan ang mga naninirahan doon ay pinahihirap at ginagawang laruan,at pinagkakakitaaan ,ang mga kababaihan dito ay binebenta ang mga laman at ginagawang parausan samatala ang mga kalalakihan naman ay kinukulong at hindi pinapapakain hangang sa sila ay mamatay ang mga bata naman ay pinag tatrabaho sa syudad at upang hindi sila mag suplong ay tinatakot sila na papatayin ang kanilang ka pamilya.
                Ngunit lingid sa kaalaman nila na may batang paslit na matalas na pag iisip at natututo sa mga ginagawa nilang pang mamalupit,siya si yatots,isang payat na malnourish,na mahaba ang muka na may malawak na pag iisip at sa kanya mag babago ang lahat,
Ditto mag uumpisa ang kanyang adventure si yatots da payatots adventure in...


“dugodungdungdung...turototototottttt...”
*sfx* wapak!!kaboom!!!lagabog!*sfx*
TOKARUK CITY!!!

 *pag lipas ng limang taon,sa edad na 15 ni yatots*


"yatots,anong ginagawa mo?bakit ka nag iimpake,wika ni taba"

''tatakas na ako dito taba,hindi ko na kayang pang tiisin ang pag papahirap sa atin..

huh??!!teka nga para naman kaya mo sila sa payat mong yan tanga!!!ika ni taba.

alam mo taba duwag ka!!pag laki nga ng katawan duwag naman,palibhasa kasi kain tulog ka lang e!mabuti pa ayusin mo yang short mo at nakikita na yung alkansya mo parang choco na singit!!

sabay tawa si yatots" HAHAHAHA"

makatawa wagas huh?kung hasain ko kaya yang baba ,si taba.

ano sasama ka ba?,yatots.
oo!!sasma ako yatots, sang ayon ni taba.

teka!!teka!!!
sigaw na mula sa madilim na sulok..

(malaking boses) yatoootss!!tabbaa!!! sasamaaa!!akkoo!!!!

"ikaw lang pala boy mando" sabay na pag bigkas ni yatots at taba.

o sige magkita tayong tatlo mamaya sa may balcony eksaktong ala una ng umaga,ok? sabi ni yatots sa dalawa.

o sige yatots!, mabilis  na sang ayon naman ng dalawa


at naganap na nga ang pag takas,inakala ng tatlo ng ligtas na sila makakalabas ng bigla silang hangarin dalawang maskuladong lalaki ng malapit na sila sa gate.


naku!!lagot yatots huli tayo,bangit ni taba habang nanginginig na sa takot si taba.

wag kang matakot taba,napag handaan ko ito taba,wika ni boy mando.

at nanlaban nga si yatots at boy mando ng buo ang loob.

sinipa ni yatots ang isa sa bayag..at napa sigaw ng "aruyy ku pu!!!!"

at hinawakan sa ulo at sabay suntok sa mukha habang sumisigaw ng flyiiiiiiiiiiiiiinnnnnning PUNCH!!!


*sfx* wapak!!!kaboom!!!*
.
sabay tinirador naman ni boy mando ang isa at tinamaan sa mukha.Nag sisigaw naman ang tinamaan dahil puro pala yun bulbura na may halong dinurog na sili at mga paminta.

*sfx* pookk!!!!*

waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!lagot ka sakiin bata ka!!!!

at mula sa gilid ay hind na nag atubili si taba at biglang tumalon sa dalawang mama..


sabay sigaw ng FLYIIINNNGGGG PIGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!



at tinamaan pareho sa batok at nakatulog...


kaya lang tinamaan din si boy mando kaya habang tumatakas  sila ay bitbit nila si boy mando.


sa wakas ay nakalabas na rin sila at nag mamadaling sumakay ng truck ng basura na eksaktong dumaan dito ay mag uumpisa sila upang hanapin ang tamang daan para mailigtas nag kanilang naiwan na mahal sa buhay.






*abangan*