susulat ako para sa mga bagay na nag udyok na gawin ko ito:


sa kahirapan na di matapos tapos, para sa mga karanasan na di ko lubos maiisp na papasok, para sa mga asong makukulit , kay rookie( aso ko) na nagbibigay saya, sa mga taong pasaway , sa mga kulas na nakasama ko sa inuman, saya, kalokohan, churvahan, ek e kan, eklabo, chenes, sa mga lovers sa seaside ( bakit di pa mag suicide..heheh!joke!!) at sa mga mahal ko sa buhay pati sa mga plastik na walang ka buhay - buhay....



.....at sa mga taong na naniniwala na pwede akong magsulat...

Tuesday, February 19, 2013

Yatots da payatots:Adventure In Tokaruk City


          Sa pang araw araw na pamumuhay sa palagay mo nakakagawa ka ba ng mabuti??kung meron man sa tingin mo ano kaya yun??alam mo kaya o napansin mo ba?
          ako hindi ko alam kung meron ako nagawa, ni hindi ko nga rin alam kung may mga kwenta ba yung mga nagagawa ko sa buhay o kung nakabuti ba kaya ang mga nagawa ko??
bakit ba kailangan itanong kung may nagagawa ba tayo na mabuti,(bakit?malamang yan ang tanong mo)
sabi kasi nila nakakatulong raw ang paggawa ng mga mabubuting bagay sa pang araw araw ito ay humuhobog sayo upang maging tapat at mabuting tao.May tama yun sa aspetong gamit ang salita ng diyos pero paano kung sa aspeto bilang isang tao (o pakitang tao).Siguro kung ang usapan ay isang literal na salitang kung gagawa ka ng mabuting bagay ay isa kang mabuting tao.Malamang lahat na siguro ay mabuting tao.sa mata ng tao,hindi sa mata ng may kapal.



sa isang liblib na lugar na malayo sa syudad mga isang daan tulog at dalawang hakbang at isang mahang baba ay may lugar kung tawagin ay tokaruk city(hindi siya sa japan katunog lang) at may grupo ng mga nilalang na kulang kulang ang naninirahan dito ngunit ito ay sagana sa ginto,pilak at perlas gayun din ito’y sagana din sa mga prutas at ibat iba pang bagay na maaring pag kakitaan kaya lang sa kabila ng lahat na ito ay may kulang,ito ay kung paano nila pagyayamanin at gagamitin sa mabuting bagay.

            Sa kabilang dako naman,malapit sa syudad mga isang malaking baboy lang ang layo ay may lugar din na kung tawagan ay mikas city dito ay halos wala ng pag kakakitaan kung kaya karamihan dito ay na iibang bayan dumarayo sa malayong lugar dahil ang mga tao ditto ay mga kapwa mandurugas,magnanakaw,manlalamang, at kahit ka pamilya,kapatid,kapuso o kabarkada ay tinatalo kung kaya naman sa lugar na ito ay tanging mga matikas lamang ang natitira.Sa isang sulok ng kalye ng mikas city ay may maliit na grupo ng mga bandido kung saan ang mga naninirahan doon ay pinahihirap at ginagawang laruan,at pinagkakakitaaan ,ang mga kababaihan dito ay binebenta ang mga laman at ginagawang parausan samatala ang mga kalalakihan naman ay kinukulong at hindi pinapapakain hangang sa sila ay mamatay ang mga bata naman ay pinag tatrabaho sa syudad at upang hindi sila mag suplong ay tinatakot sila na papatayin ang kanilang ka pamilya.
                Ngunit lingid sa kaalaman nila na may batang paslit na matalas na pag iisip at natututo sa mga ginagawa nilang pang mamalupit,siya si yatots,isang payat na malnourish,na mahaba ang muka na may malawak na pag iisip at sa kanya mag babago ang lahat,
Ditto mag uumpisa ang kanyang adventure si yatots da payatots adventure in...


“dugodungdungdung...turototototottttt...”
*sfx* wapak!!kaboom!!!lagabog!*sfx*
TOKARUK CITY!!!

 *pag lipas ng limang taon,sa edad na 15 ni yatots*


"yatots,anong ginagawa mo?bakit ka nag iimpake,wika ni taba"

''tatakas na ako dito taba,hindi ko na kayang pang tiisin ang pag papahirap sa atin..

huh??!!teka nga para naman kaya mo sila sa payat mong yan tanga!!!ika ni taba.

alam mo taba duwag ka!!pag laki nga ng katawan duwag naman,palibhasa kasi kain tulog ka lang e!mabuti pa ayusin mo yang short mo at nakikita na yung alkansya mo parang choco na singit!!

sabay tawa si yatots" HAHAHAHA"

makatawa wagas huh?kung hasain ko kaya yang baba ,si taba.

ano sasama ka ba?,yatots.
oo!!sasma ako yatots, sang ayon ni taba.

teka!!teka!!!
sigaw na mula sa madilim na sulok..

(malaking boses) yatoootss!!tabbaa!!! sasamaaa!!akkoo!!!!

"ikaw lang pala boy mando" sabay na pag bigkas ni yatots at taba.

o sige magkita tayong tatlo mamaya sa may balcony eksaktong ala una ng umaga,ok? sabi ni yatots sa dalawa.

o sige yatots!, mabilis  na sang ayon naman ng dalawa


at naganap na nga ang pag takas,inakala ng tatlo ng ligtas na sila makakalabas ng bigla silang hangarin dalawang maskuladong lalaki ng malapit na sila sa gate.


naku!!lagot yatots huli tayo,bangit ni taba habang nanginginig na sa takot si taba.

wag kang matakot taba,napag handaan ko ito taba,wika ni boy mando.

at nanlaban nga si yatots at boy mando ng buo ang loob.

sinipa ni yatots ang isa sa bayag..at napa sigaw ng "aruyy ku pu!!!!"

at hinawakan sa ulo at sabay suntok sa mukha habang sumisigaw ng flyiiiiiiiiiiiiiinnnnnning PUNCH!!!


*sfx* wapak!!!kaboom!!!*
.
sabay tinirador naman ni boy mando ang isa at tinamaan sa mukha.Nag sisigaw naman ang tinamaan dahil puro pala yun bulbura na may halong dinurog na sili at mga paminta.

*sfx* pookk!!!!*

waaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!lagot ka sakiin bata ka!!!!

at mula sa gilid ay hind na nag atubili si taba at biglang tumalon sa dalawang mama..


sabay sigaw ng FLYIIINNNGGGG PIGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!



at tinamaan pareho sa batok at nakatulog...


kaya lang tinamaan din si boy mando kaya habang tumatakas  sila ay bitbit nila si boy mando.


sa wakas ay nakalabas na rin sila at nag mamadaling sumakay ng truck ng basura na eksaktong dumaan dito ay mag uumpisa sila upang hanapin ang tamang daan para mailigtas nag kanilang naiwan na mahal sa buhay.






*abangan*